Baliuag University Hymn

IMNO NG PAMANTASANG BALIUAG
Download MP3 File

Pamantasang Baliuag
Bukal ka ng karunungan
Isang gabay sa pagsulong
At tanglaw ng kabataan

Lumikha ay pagpalain ka
at patuloy kang magliwanag
Mabuhay, Mabuhay ka
Pamantasang Baliuag

MAHAL NAMING PAARALAN

Ikaw ang nagbigay ng pag-asa
Sa puso ng bawat isa
Karunungang tanglaw sa kinabukasan
Taglaying gabay ng Maylalang

Pagmamahal sa ‘yo ay di mawawala
Pasalamatan ka Pamantsang Baliuag
Alayan ka at paglingkuran
S’yang dulot ng mga kabataaan

Liwanag mo’y aming tataglayin
Sa bawat tagumpay na kakamtin
Mahal naming paaralan
Purihin ka sa ‘yong kadakilaan

MARTSA NG PAMANTASANG BALIUAG

Luningning mo’y itatanghal
Aming Mutyang Paaralan
Ang kislap ng ‘yong ngalan
Bandilang iwawagayway

Adhika mo’y ihahayag
Ihahasik ‘yong liwanag
Tagumpay mo’y lagging hangad
Pamantasang Baliuag